News Releases

English | Tagalog

Miss Universe, mapapanood nang live sa iba't ibang ABS-CBN platforms

January 05, 2023 AT 12 : 20 PM

Catch the 71st Miss Universe competition live from the USA on January 15, 9 AM on A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, and iWantTFC.

Kay Celeste kaya mapapasa ang korona?
 

Mas maraming Pinoy ang makakapanood ng laban ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022 dahil ipapalabas sa iba’t ibang ABS-CBN platforms ang ika-71 na edisyon ng pinakainaabangang pageant sa buong mundo.

Mapapanood nang live ang kompetisyon sa New Orleans, Louisiana sa Enero 15 (Linggo) simula 9 AM sa A2Z Channel 11 sa free TV, sa Kapamilya Channel at Metro Channel sa cable TV, o online sa iWantTFC.

Tiyak na mas marami ang makakasuporta sa pambato ng bansa na si Celeste. Umangat siyang kampeon ng Miss Universe Philippines 2022 noong Abril matapos masungkit ng samu’t saring parangal kabilang ang Miss Photogenic at Best in Swimsuit.

Sa kanya kaya mapapasa ang korona na hawak ngayon ni Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ng India? 85 beauty queens mula sa iba’t ibang bansa ang makakaharap ni Celeste para sa titulo ng Miss Universe 2022.

Subaybayan ang 71st Miss Universe competition nang live mula sa USA sa Enero 15, 9 AM sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC.

Maaari mapanood ang same-day replay nang 10:30 ng gabi sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, TV5, at iWantTFC. Magkakaroon din ng mga replay sa Metro Channel sa ibang araw sa loob ng linggo.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE