News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News, inilunsad ang tatlong bagong digital shows

October 11, 2023 AT 03 : 44 PM

Tatlong bagong ABS-CBN News digital content ng mga balita, impormasyon, at entertainment ang inilunsad ng ABS-CBN News noong weekend sa hangaring palawakin pa ang pamamahayag.

Salit-salitan sina Ganiel Krishnan at MJ Felipe sa pag-host ng lingguhang recap ng pinakamalalaking kuwento sa showbiz at entertainment na ipinalabas sa TV Patrol. Ipapalabas sa ABS-CBN News Facebook page (facebook.com/abscbnnews) tuwing 4pm ang episode, isang araw pagkatapos ng YouTube run nito.

Handog din ng news team ang “Bistado M.O. (Modus Operandi)”, na muling bibisitahin ang mga kaso ng krimen at mga scam na sakop ng metro at justice reporters ng ABS-CBN at payuhan din ang mga manonood kung paano maiiwasan na maging biktima.

Pangungunahan ito ng veteran police reporters na sina Zyann Ambrosio at Jeff Caparas simula 4:30 pm tuwing Sabado sa ABS-CBN News YouTube channel at Linggo sa ABS-CBN News Facebook page.

Ipapalabas din ang “Patrol ng Pilipino: Playlist,” sa pangunguna ng mga mamamahayag ng ABS-CBN, na magpapakita ng mini-newsmagazine ng mga vertical video na orihinal na inilabas ng “Patrol ng Pilipino”, ang mobile journalism initiative ng news organization.

Nagho-host ang bawat reporter ng isang compilation ng content ayon sa konsepto, mula sa on-the-spot na mga coverage at explainers, hanggang sa mga feature sa pagkain at pamumuhay. Kasama sa reporters ay sina Doris Bigornia, Michael Delizo, at Ganiel.

Ipapalabas ang “Patrol ng Pilipino: Playlist” tuwing Linggo ng 11 am sa Patrol ng Pilipino (facebook.com/patrolngpilipino) at ABS-CBN News Facebook pages. Mapapanood ito sa YouTube channel ng ABS-CBN News tuwing 6 pm.

"These digital offerings are in response to the public’s need for reliable and engaging stories and continue the Kapamilya news team’s mission of finding more ways to serve the Filipino wherever they may be," sabi ni Francis Toral, head ng ABS-CBN News.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.