Pagbabago ng damdamin sa nakalipas na pag-ibig ang itinampok ng singer-songwriter na si Paulo Agudelo sa kanyang bagong awitin na “
Alon” sa ilalim ng DNA Music.
“I caught feelings for that person especially when we went to the sea. That's why the song is somehow visualizing the sea and is paralleled how feelings are temporary and fleeting like the waves, ani Paolo.
Inaalay niya ang kanta sa mga hindi matahimik dahil sa pagsisisi tulad niya.
“I want to share this song to anyone who has gone through similar problems and battles with their inner regrets and pain just like me,” ani Paulo.
Iprinodyus nina Alexis Ip Agudelo, Raymund Marasigan, Buddy Zabala, at Marey Garcia ang awitin na sumasalamin sa kanyang personal na karanasan.
Bilang music producer at musician, nais ni Paulo na makagawa ng mga awitin na aantig sa puso ng mga tao. Nitong Abril, isinulat at inilunsad niya ang kanyang unang single na “Need Me.” Nakapag-prodyus din siya ng ilang awitin na naging nominado sa Awit Awards. Bukod sa kanyang solo career, isa rin siyang drummer ng indie-rock band na JUICEBOX at sessionista sa iba’t ibang banda tulad ng Sandwich, ULTRACOMBO, PartyPace, Shanne Dandan, at marami pang iba.
Damhin ang mensahe ng bagong single ni Paulo na “Alon” na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang DNA Music sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.