Maiinit ang pagtanggap ng viewers sa kauna-unahang teleserye ng New Gen Loveteam na DonBelle sa pilot episode ng "Can't Buy Me Love" nitong Lunes (Oktubre 17) na nakakuha ng 454,413 live concurrent views at nanguna sa X (dating Twitter) trending list nationwide.
Ayon kay Donny, mas challenging ang roles nila rito at kakaiba sa mga dating ginampanan nila.
Sey ni Donny, "Ang daming bago talaga. Ang question talaga kung anong similarities and there are so many new things na hindi niyo pa nakikita sa past projects."
Dagdag pa niya, hindi lang kilig ang ipaparamdam ng mga karakter nilang sina Bingo (Donny) at Caroline (Belle).
"Hindi ito yung typical rom-com. Ang daming genre in one show, may romcom, drama, mystery. Ang dami mong emotions na mafe-feel and marami ka rin questions na gustong malaman every episode, saad niya.
Para naman kay Belle, ituturo ng kwentong ito kung bakit hindi talaga mabibili ang pag-ibig.
"You can’t buy love. You can buy happiness, but you can’t buy everything. You can only find true happiness in yourself and the people surrounding you," sabi niya.
Samantala, hindi lang naman sa social media nanguna ang serye dahil kasalukuyang Top 1 most watched show din siya sa Netflix Philippines.
Sa pilot episode, nakita ng viewers ang mga masalimuot na nakaraan nina Bingo at Caroline noong mga bata ito. Iniwan nga si Bingo ng kanyang ina para ayusin ang malaking utang nito habang si Caroline naman ay nakita ang inang nasaksak matapos pasukin ang kanilang bahay ng hindi kilalang tao.
Sa pagkamatay ng ina, napilitang tumira si Caroline sa unang pamilya ng ama na simula pa lang ay ipinaintindi sa kanyang sampid lang siya sa pamilya. Samantala si Bingo naman ay kinopkop ni Lola Nene matapos niyang sagipin ito mula sa pagkakabangga.
Unang magtatagpo ang landas ng dalawa sa engagement party ng kapatid ni Caroline na si Bettina (Kaila Estrada). Pumunta nga si Caroline dito at nagsuot ng itim para ipaalala ang death anniversary ng ina samantala gusto naman i-present ni Bingo ang kanyang ideya kay Wilson.
Huwag palampasin ang pilot week ng "Can't Buy Me Love" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5. Maari rin ito panoorin in advance sa Netflix o iWantTFC.