News Releases

English | Tagalog

'Astig': Bakbakan nina Coco at Ivana sa "FPJ's Batang Quiapo," viral!

October 24, 2023 AT 09 : 40 AM

Ivana, nakitaan ng potensyal bilang “action star”

Mainit na pinag-usapan sa social media at kinasabikan ng fans ang maaaksyong eksena ni Ivana Alawi sa hit Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo,” kung saan nakasama niya sa bakbakan si Coco Martin.

Sa isang episode ng serye kamakailan, sumabak si Bubbles (Ivana) sa matitinding barilan at suntukan para sa una niyang misyon kasama si Tanggol (Coco).

“Hindi siya madali pero I’m very thankful kasi I’m supported by such a strong team. Tsaka may training talaga, hindi naman nila ako sinabak na ganun lang. May mga training din,” sabi ni Ivana sa isang interview sa “TV Patrol.”

Kaliwa’t kanan ang papuri ng fans kay Ivana at tinawag pa nila itong “potential action star,” at hindi rin maiwasang kiligin ang mga manonood sa “astig” nilang tambalan ni Coco.

“Solid yung team up nila, di ko alam na ganun kaangas si Ivana pag aksyon, upgraded din cinematography sa action scenes” komento ng YouTube user na si @vlogbagam9079.

“Ai wow gusto ko yong action na pinalipad si bubbles habang nakipaglaban,in fairness magaling din to c Ivana maging ka tandem na action star galing, palakpakan,” sabi ni @romelaauxtero8346.

“galing ng tandem nila ni tanggol. the best tlga batang quiapo,” post ni @creslove sa TikTok.

Samantala, todo ang pasasalamat ni Coco sa mga manonood ng “FPJ’s Batang Quiapo” para sa maganda nitong performance sa online viewership at sa rating charts sa primetime TV. 

“Sobrang thankful talaga sa buong team kasi lahat kami nagpapakapagod. Sulit ‘yung hirap kapag nakikita mo gabi-gabi na tinatangkilik ‘yung pinaghihirapan niyo at nararamdaman mo ‘yung pagmamahal ng mga Pilipino, napakasarap sa pakiramdam,” saad ni Coco.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE