News Releases

English | Tagalog

Noli, itatampok ang mga kwento ng katatakutan sa “Kababalaghan: Pagkagat ng Dilim” ngayong Linggo

October 25, 2023 AT 03 : 34 PM

Mga pagpaparamdam ng mga hindi mapalagay na kaluluwa at mapagsamantalang demonyo

 

Maghanda para sa isang gabing magpapatindig sa balahibo ng sambayanan dahil ihahatid ni Kabayan Noli De Castro ang mga panibagong kwento ng katatakutan sa ikalimang edisyon ng kanyang Undas special na “Kababalaghan: Pagkagat ng Dilim” ngayong Linggo (Oktubre 29).

Itatampok ni Kabayan ang nakakatakot na kwento ng college student na si Precious Bianca “Prei” Capanan, na pinagmumultuhan ng isang doppelganger at mga espiritu ng umiiyak na bata at ginang na bumubulong sa kanyang tenga sa kanyang condo unit. Mga bikitma umano ito ng isang marahas na krimen at naghahanap ng hustisya ayon kay Prei.

Ipapalabas din sa “Kababalaghan” ang istorya ng isang ginang mula sa Bulacan na patuloy na pinagsasamantalahan ng isang incubus, isang lalaking demonyo na hinihipo ang kanyang maselang bahagi ng katawan at hinuhubad ang kanyang salawal habang natutulog.

Samantala, ibabahagi naman ng beteranong mamamahayag ang kwento ng isang ginang na nagmumulto sa rest house sa Pililia, Rizal, na naging dahilan upang lumipat ang ilang pamilyang umuupa dahil sa takot na naramdaman. Sinabi ni Felipe Santos, ang may-ari ng bahay, na ang multo ay ang kanyang namatay na asawa.

Panoorin ang mga istorya ng katatakutan ngayong Linggo (Oktubre 29) sa “Kababalaghan: Pagkagat ng Dilim,” ang Undas special ni Kabayan Noli De Castro simula 9:30 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNewsnews.abs-cbn.com/live at iba pang ABS-CBN News online platforms.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.