Migs, kikilalanin ang may-ari ng sikat na pancit bato sa Q.C.
Isa na namang kwentong tiyak na tatagos sa puso ang handog ni Karen Davila sa mga manonood dahil itatampok niya ang kwento ng pagbangon ni Kristina Po, isang dating bilyonaryo na naloko ng investment scam ngayong Sabado (Oktubre 28) sa “My Puhunan.”
Ani Kristina, hindi sumagi sa kanyang isip na maghihirap ang pamilya niya noong kasagsagan ng pandemya. Pero nang maloko ng isang investment scam, halos wala na raw silang makain ng kaniyang pamilya para makapagbayad-utang.
Dumating na rin si Kristina sa punto na gusto na niyang tuldukan ang kaniyang buhay, pero dahil sa pamilya, nilabanan niya ang problema at unti-unti siyang bumangon muli. Ngayon, nakapaglunsad na si Kristina ng kanyang beauty and wellness business na Shinjiru Wellness PH na sinimuluan niya sa kanyang bahay sa tulong ng kanyang panganay na anak na nasa autism spectrum.
Samantala, kikilalanin naman ni Migs Busos si Michael Berso, dating OFW sa Kuwait na ngayon ay full-time negosyante na dahil sa kanyang pinipilahang pancit bato. Wala raw sa kanyang plano ang magtayo ng isang kainan, pero simula nang mag-viral sa social media ang kanyang pancit bato, dumami ang kanyang regular customers kaya napagdesisyunan ni Michael na manatili na sa bansa at tutukan ang kanyang bagong kumikitang kabuhayan.
Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.