News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, may pinakamaraming national winners sa 2023 Asian Academy Creative Awards

October 05, 2023 AT 06 : 08 PM

ABS-CBN, the country’s leading content provider, won top honors in ten categories at the Asian Academy Creative Awards (AAA) 2023, making it the most awarded Philippine media company at the national level.

10 nat’l winner ng Kapamilya, lalaban sa Grand Awards sa Singapore  
 

Umani ng 10 national awards ang ABS-CBN sa Asian Academy Creative Awards (AAA) 2023, kung saan nakakuha ng pinakamaraming parangal ang kumpanya sa national level ng kumpetisyon. 

Big winner ang crime thriller series na “Cattleya Killer” na panalo sa tatlong kategorya: Best Drama Series, Best Cinematography kay Juan Lorenzo Orendain III, at Best Actor in a Leading Role kay Arjo Atayde. 

Nakuha naman ng hit primetime series na “Dirty Linen” ang Best Direction (Fiction) category para kay Onat Diaz at Best Promo or Trailer. 

Tinanghal ding Best Adaptation of an Existing Format ang “Flower of Evil,” habang Best Original Production by a Streamer/OTT ang “Drag You and Me.” Panalo rin ang “Hero City Kids Force” bilang Best Children’s Programme (One Off/Series). 

Panalo rin ang weekend shows ng ABS-CBN sa national level ng AAA 2023. Kinilala bilang Best Music or Dance Programme ang “ASAP Natin ‘To,” habang pambato ng Pilipinas sa Best General Entertainment, Game or Quiz Programme naman ang “Everybody, Sing!” 

Ang mga national winner ng AAA sa bansa ang magiging pambato ng Pilipinas sa Grand Awards at Gala Final na gaganapin sa Disyembre 7 sa Singapore. 

Ang Asian Academy Creative Awards (AAA) ay prestihiyosong award-giving body na kinikilala ang creative excellence ng iba’t ibang bansa sa Asia Pacific. Bawat taon, naglalaban ang pinakamahuhusay sa industriya mula sa 17 na bansa para sa Grand Awards na ginaganap sa Singapore tuwing Disyembre.  

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa FacebookTwitterInstagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom