Bernadette at Kabayan, magtatampok ng mga kwento ng inspirasyon at pag-asa
Habang nagsusukat ng suit para sa ABS-CBN Ball 2023: Forever Grateful, ibabahagi ni Baron Geisler kay ABS-CBN chief of reporters Jeff Canoy ang kanyang kuwento ng pagbanagon na mapapanood sa “Tao Po” ngayong Linggo (Oktubre 8).
Nagpapasalamat si Baron sa hindi inaasahang imbitasyon sa kanya sa ball, habang matutuklasan din ni Jeff ang pagbabagong buhay ng aktor na kasama sa teleseryeng “Senior High.”
Samantala, kikilalanin ni Bernadette Sembrano si Abby Medina, isang second generation shoemaker sa Marikina, ang shoe capital ng Pilipinas. Pero bukod sa dekalidad na pagkakagawa ng kanilang mga produkto, ang ipinagkaiba nila sa ibang mga pagawaan ay ang kanilang custom-made na sapatos para sa mga PWD.
Itatampok din ni Kabayan Noli de Castro ang 38 taong gulang na si Kalid Samir, na naglalako ng kanyang mga ibon sa maraming pet shop sa Maynila. Ipapakita ni Kalid, na hindi titigil maghanapbuhay para sa kanyang pamilya, kung gaano niya kamahal ang mga anak at mga alagang ibon.
Huwag palampasin ang mga kwento ng inspirasyon sa “Tao Po” kasama sina tuwing Linggo simula 6:15 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.