News Releases

English | Tagalog

Team Jhong, Kim Ion, itinanghal bilang Magpasikat 2023 grand champion ng "It's Showtime"

November 13, 2023 AT 06 : 32 PM

Puso at talento ang naging puhunan ng team nina Jhong Hilario, Kim Chiu, at Ion Perez sa kanilang tema na responsableng paggamit ng cellphone at social media kaya naman nakuha nila ang pinakamataas na combined score mula sa hurados at itinanghal bilang Magpasikat 2023 grand champion ngayong araw.

 

Noong Biyernes (Nov.10), ipinakita ng Team JKI ang masamang epekto ng paggamit ng social media sa mga manonood. Ipinabilib din nila ang madlang people sa kanilang parkour at acrobatic skills. 

Nanalo nga sila ng P300,000 na ibibigay nila sa kanilang chosen charity.

 

Panalo naman sa second place ang team nina Anne Curtis, Ryan Bang, at Ogie Alcasid  na naghatid ng madamdaming performance tungkol sa pagheal ng mundo at nakakuha sila ng P200,000. 

 

Nasungkit ng team nina Vhong Navarro, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta ang ikatlong place at nag-uwi sila ng P100,000 para sa pagbibigay pugay nila sa mga komedyante ng Pilipinas. 

 

Nakakuha naman ang parehas na team nina Vice Ganda, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez at  Karylle, Amy Perez, Lassy at MC ng tig-P50,000. 

 

Nagsilbing naman bilang mga hurado na kumilatis sa performances ng "Magpasikat 2023" ang FDCP chairperson at aktor na si Tirso Cruz III, award-winning director na si Olivia Lamasan, rapper at singer na si Apl.De.Ap, Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, at frontman ng The Dawn na si Jett Pangan.

 

Nagbigay naman ang hosts ng kani-kanilang mensahe sa kanilang ika-14 anibersaryo at nagpasalamat din sila sa A2Z, GTV, at TV5. 

 

"Dine-depict natin yung pangkaraniwang pamilyang Pilipino. Taon-taon ay hinahataw ng maraming bagyo na hindi mo alam kailan darating. Minsan handa ka, minsan may darating na saklolo pero minsan kayo-kayo lang. Pero gumigising pa rin kinabukasan at buhay na buhay pa rin. Nananatili pa rin," ayon kay Vice. 

 

Samantala, pinasalamat naman ni ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes ang hosts, staff, at crew sa kanilang pagpupursige ibigay ang best at world-class entertainment sa manonood. Pinasalamatan din niya ang madlang people sa walang sawa nitong pagsuporta.

 

Inabangan din ng maraming Pilipino ang buong linggo ng Magpasikat performances dahil naging trending topic nationwide ang hashtag ng show na #Showtime14ever, #ShowtimeMagpasikat2023 pati rin ang iba't ibang hashtags ng mga koponan sa kani-kanilang performances.

 

Bukod naman sa inaabangang winner ng Magpasikat ngayong taon, itinanghal bilang weekly winner ang Mi Familia Homies matapos makuha ang combined score na 6.7 mula sa dance royalties. 

 

Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 11:30 AM mula Lunes hanggang Biyernes, at 12 NN tuwing Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" sa YouTube channel ng "It's Showtime."

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.