News Releases

English | Tagalog

Limang ABS-CBN journalist, binigyang pagkilala

November 16, 2023 AT 09 : 49 AM

Mga Kapamilya, nakakuha ng career milestones

 

Kinilala ang mga mamamahayag ng ABS-CBN na sina Karen Davila, Mike Navallo, Dennis Datu, Jervis Manahan at Jacque Manabat ng mga internasyonal na ahensya at lokal na award-giving bodies para sa kanilang dedikasyon at husay sa pamamamahayag.

Itinalaga si Karen Davila bilang National Goodwill Ambassador for the Philippines ng UN Women, kung saan tungkulin niyang ibahagi ang mga kritikal na isyu at magbigay ng inspirasyon sa pagbabago, pagbibigay pansin sa papel ng kababaihan sa pag-unlad at pagbuo ng bansa, pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagpapalakas sa kababaihan.

“It is an honor to be UN Women’s first National Goodwill Ambassador for the Philippines. I will be working with many others who speak out in support of UN Women to help bring about positive change in mindsets, behaviors, and hopefully, in the everyday lives of women and girls,” sabi ni Karen na napapanood sa “TV Patrol.”

Pinarangalan naman si Mike Navallo ng Jaime V. Ongpin (JVO) Award of Distinction mula sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), habang kinilala si Dennis Datu bilang TV Reporter of the Year ng Manila Overseas Press Club sa kanilang kauna-unahang MOPC Bell of Freedom and Excellence Award. 

Bukod pa rito, panalo rin si Jervis Manahan ng Best Online Story award sa the 16th Bright Leaf Agriculture Journalism Awards para sa kanyang special report na “The Onion Story” na tinatalakay ang mga problemang kinakaharap ng mga nagsasaka ng sibuyas sa bansa.

Samantala, si Jacque Manabat naman ang nag-iisang Filipino journalist na naimbitahan sa World Creator Festival sa South Korea, kung saan kinikilala rito ang mga content creator na nakaiimpluwensya sa pagkonsumo ng media.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.    

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE