Ang Kapamilya songwriter-artist-producer na si Jonathan Manalo ang pinagkalooban ng Gawad Dr. Pio Valenzuela ngayong taon para sa kanyang kontribusyon sa larangan ng musika.
Ang nasabing award ang pinakamataas na pagkilala na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa mga natatanging mamamayan na nagpamalas ng kahusayan at hindi matatawarang paglilingkod.
Tinanggap ng ABS-CBN Music creative director ang gawad sa isang programa ni ginanap sa Casa de Polo bilang pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo ng Valenzuela City.
Bukod sa pagkilala ng Gawad Dr. Pio Valenzuela 2023, si Jonathan ay kinilala ring SUDI awardee ng National Commission for Culture & the Arts para sa dekada 2011-2020.
Nakapagprodyus at nakapaglunsad na siya ng higit sa 200 albums at umani ng 75 multi-platinum at 100 Gold PARI Certifications. Siya rin ang most streamed Filipino songwriter at record producer of all time na may higit sa 1.5 billion Spotify streams ng musika na isinulat at prinodyus niya.