Damang-dama ang good vibes ngayong long weekend sa hatid na best-of-the-best kantahan at sayawan mula sa paborito ninyong Kapamilya stars at guest performers ngayong Linggo (Nobyembre 26) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Balikan ang bigay-todong collab nina Popstar Royalty Sarah Geronimo at certified rakista na si Bamboo, pati na rin ang swabeng R&B kantahan ng Southborder kasama ang ASAP icons na sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."
Maki-throwback din sa all-star '90s party tampok sina Alexa Ilacad, Angeline Quinto, Jason Dy, Fana, at ang buong ASAP Kapamilya with Robi Domingo, Edward Barber, Janine Gutierrez, at Inigo Pascual.
Pakatutukang muli ang hit P-Pop performances nina Darren, AC Bonifacio, at Kyle Echarri kasama ang PLUUS, CALISTA, at 1st.One, na susundan ng best-of-the-best pasabog ng Aces of P-Pop na BGYO.
Makihataw muli sa wild sayawan nina Chie Filomeno at Jane Oineza, girl power collab nina Sheena Belarmino, Krystal Brimner, at Gela Atayde with Legit Status, pati ang kiddie dance craze ng "Isip Bata" kids na sina Argus, Kulot, Jaze, Imogen, at Lucas kasama ang ASAP dance royalty na si Kim Chiu.
Tuloy-tuloy ang Darren fever sa kanyang swabeng performance kasabay sina Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, at Jeremy G.
Balikan din natin ang Broadway hits kantahan nina John Arcilla, Jona, Jed Madela, at Lara Maigue.
At panooring muli ang Ariel Rivera hits tribute nina Jona, Jed, Klarisse de Guzman, Kyla, Sheryn Regis, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Elha Nympha, JM Yosures, Khimo Gumatay, Sheena Belarmino, at Lyka Estrella.
Abangan ang lahat ng best-of-the-best treats na ito mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.