Tungkol sa pananabalik magmahal
Inilunsad ng singer-songwriter na si Angela Ken ang kanyang latest single na “Alas-Diyes” mula sa Star Music.
Ayon sa “Ako Naman Muna” hitmaker, hango ang kanta sa pananabik sa pag-ibig na nararamdaman ng mga kabataan, pati na ng kanyang mga kaibigan, lalo na pagsapit ng gabi.
“Alas-Diyes was actually inspired by my friends and from the trend ‘Kapag 10pm na, sad hours na ulit.’ ‘dun siya nag-start,” aniya.
“Galing ‘yung lyrics sa mga naoobserve ko na nakikita and naririnig ko from social media as well na this generation has this saying that when the clock strikes 10pm, our thoughts just overflows, mostly to a specific person,” saad ng Kapamilya artist. “Kasi kaya naman natin nang mag-isa, pero nangungulila din tayo sa fact na gusto natin nang may pahinga.”
Ilan sa tatatak na linya ng kanta ang “Ohh… Gusto ko lang magmahal. Tipong lahat isusugal at magtatagal. Oh, kailan ba? Kailan ba?”
Napapakinggan na ang “Alas-Diyes” single ni Angela sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.