December na at may handog muling maagang pamasko ang inyong paboritong weekend party, hatid ang mga bigating selebrasyon mula sa world-class Pinoys, at marami pang mainit-init na pasabog mula sa inyong ASAP Kapamilya live ngayong Linggo (Disyembre 3) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Mas titingkad ang inyong Linggo sa bonggang homecoming para kay Miss Universe Philippines bet Michelle Marquez Dee, na sasabayan din ng vocal tribute nina Martin Nievera, Erik Santos, Jed Madela, at Jason Dy.
Bilang pagdiriwang sa ika-20 na taon sa industriya ng award-winning balladeer na si Jed Madela, may hatid naman siyang sorpresa tampok ang world-class biritan kasama sina Erik Santos, Jona, Klarisse de Guzman, Sheryn Regis, Katrina Velarde, Bituin Escalante, Jason Dy, JM Yosures, Khimo Gumatay, Reiven Umali, Sam Mangubat, at 2023 Stars of the Albion Grand Prix winner Jex de Castro.
May handog ding mainit-init na performance ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, habang may ASAP debut naman ang panibagong P-Pop boy group na 1621BC, na susundan ng comeback single act ng BINI.
Talagang papalapit na ang Pasko kaya makisaya sa holiday kantahan at sayawan nina Alexa Ilacad, Charlie Dizon, Francine Diaz, Kaori Oinuma, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Jameson Blake, Joao Constancia, Krystal Brimner, Sheena Belarmino, Jona, Gab Valenciano, at ang inyong ASAP Kapamilya kasama sina Robi Domingo, Edward Barber, at Janine Gutierrez.
Yayanig naman ang dance floor sa dance royalty collab nina Gela Atayde at Kim Chiu, pati ang "Clash Dance" hatawan nina AC Bonifacio at Maymay Entrata.
Makisalo rin sa back-to-back birthday celebrations nina Yeng Constantino kasama ang Sandwich, pati ni power diva Angeline Quinto. Bibida rin ang bigay-todong duet nina Concert King Martin Nievera at Asia's Soul Supreme KZ.
At abangan ang pagbibigay-pugay sa musikerong si Homer Flores, tampok ang birit tribute nina Zsa Zsa Padilla, Erik, Martin, Pops Fernandez, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."
Abangan ang lahat ng ito, live na live, mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.