Tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng maaagang pamasko mula sa paborito ninyong weekend party, hatid ang isang bigating ASAP welcome at marami pang world-class Pinoy performances ngayong Linggo (Disyembre 17) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Sa kauna-unahang pagkakataon, dadayo sa ASAP stage ang lead stars ng "Rewind" at powerhouse Kapuso couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na may hatid na kaabang-abang na sorpresa sa dancefloor.
Mas iinit din ang inyong Sunday sa panibagong pasabog ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, habang may kantahan collab ding dapat abangan mula kina Kyle Echarri at Moira dela Torre, pati kina Yeng Constantino, KZ, at Piolo Pascual.
Paskong-Pasko ang hatid na performances nina ASAP dance royalty Kim Chiu, Jeremy G, P-Pop groups CALISTA at VXON, pati ang bandang Aegis, at ang buong ASAP Kapamilya with Robi Domingo, Edward Barber, at Janine Gutierrez.
Itodo na ang hatawan sa dance hits collab nina Maymay Entrata, Gab Valenciano, at Shaina Magdayao, at hindi rin pahuhuli ang back-to-back P-Pop performances ng BINI at BGYO, pati ang K-Pop indakan kasama si Darren.
Maki-caroling din sa kantahan ng OG balladeers na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, at Ogie Alcasid kasama sina Sheena Belarmino, Fana, at Lara Maigue. May handog ding pasasalamat ang ASAP champions na sina Jona, Jed Madela, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Sheryn Regis, Bituin Escalante, Katrina Velarde, Frenchie Dy, Khimo Gumatay, JM Yosures, Sam Mangubat, at Jex de Castro.
At tuloy-tuloy ang pamaskong handog ng inyong ASAP Kapamilya sa nakaka-inspire na all-star biritan nina Gary V., Martin, Ogie, Zsa Zsa Padilla, and Regine Velasquez kasama sina Angeline Quinto, Vina Morales, Lyka Estrella, at marami pang iba.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.