News Releases

English | Tagalog

BINI, tungkol sa summer love ang bagong awitin na "Pantropiko"

December 06, 2023 AT 11 : 05 AM

Umani ng mahigit 2 milyong views TikTok

Naglabas ang female pop group na BINI ng kanilang bagong awitin na “Pantropiko” na umani na ng mahigit dalawang milyong views sa TikTok.
 
Sa kanilang awitin, inihalintulad ng grupo ang pagiging in love sa isang masayang araw sa tag-init kasama ang taong minamahal. Iprinodyus ito nina Mat Olivades at Jumbo De Belen ng FlipMusic at isinulat din nila ito kasama sina Angelika Ortiz at Paula Patricia Chavez.
 
Nasungkit naman agad ng “Pantropiko” ang unang pwesto sa iTunes Philippines singles chart habang umani rin ito ng mahigit 130,000 streams sa Spotify. Nakasama rin ang awitin sa Spotify Best of Equal Philippines 2023. 
 
Patuloy ang pagbuhos ng local at international recognition sa grupo matapos kilalanin ang kanilang awitin na “I Feel Good” sa Breaktudo Awards for Music by International Artist na naganap sa Brazil habang nasungkit din nila ang Favorite Group of the Year sa 8th P-pop Awards. Kinilala rin ang miyembro na sina Jhoanna bilang Top Female Leader, Sheena bilang Female Dancer of the Year, at Aiah bilang Female Visual of the Year.
 
Nitong Setyembre, inilabas ng Nation’s Girl Group ang awitin na “Karera” bilang patikim sa kanilang bagong EP. Kasalukuyang may mahigit 600,000 streams habang nakakuha naman ito ng 11 milyong views sa TikTok.
 
Pakinggan ang bagong awitin ng BINI na “Pantropiko” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Sundan ang BINI_ph sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, at mag-subscribe sa kanilang official YouTube channel, BINI Official para sa updates.
 
Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE