Punong-puno ng aksyon at saya ang ASAP stage dahil sa pagdating nina Coco, Lovi, at cast ng "FPJ's Batang Quiapo" pati ang bigating anniversary celebration ni Zsa Zsa ngayong Linggo (Pebrero 12) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Bago ang inaabangang premiere sa primetime ng "FPJ's Batang Quiapo," samahan muna sa ASAP stage sina Coco Martin, Lovi Poe, at co-stars nilang sina McCoy de Leon, John Estrada, Cherry Pie Picache, Lito Lapid, Pen Medina, Susan Africa, Irma Adlawan, Mercedes Cabral, Tommy Abuel, Dindo Arroyo, Mark Lapid, Bassilyo, Smugglaz, John Barakojuan, Bullet, Jonas, Mastafeat, Pistolero, Kial, Crazymix, Flict G., Big Mak, Sugar Ray Mammoth, Renz Baña, at Benzon Dalima, pati ng mga direktor nitong sina Malu Sevilla, Kevin de Vela, at Vince Gaite na sasabayan din ng pag-awit ni Gary Valenciano.
Tuloy-tuloy ang Coco fever sa themesong biritan ng kanyang mga iconic teleserye, na pangungunahan nina Gary V., Martin Nievera, Ogie Alcasid, Angeline Quinto, Erik Santos, Jona, Jed Madela, Nyoy Volante, Sam Mangubat, Lara Maigue, at Janine Berdin.
May pa-sorpresa pa ang Hari ng Primetime na si Coco kasama sina Bassilyo, Smugglaz, Crazy Mix, Flict-G, Kial, Mastafeat, Jonas, at Pistolero, at maki-party rin sa birthday celebration ng Supreme Actress na si Lovi Poe.
Abangan din ang fresh hits kantahan at sayawan nina Sam Concepcion, AC Bonifacio, Krystal Brimner, Jameson Blake, Joao Constancia, BINI, BGYO, MNL48 at ng buong ASAP family kasama si Robi Domingo.
May all-divas treat din si Asia's Songbird Regine Velasquez kasama sina Belle Mariano, Maris Racal, at Loisa Andalio na sasabayan din ng The Company, habang may timeless hugot hits kantahan naman sina Raymond Lauchengco, Khimo Gumatay, Bryan Chong, Sam Mangubat, Reiven Umali, JM Yosures, Janine Berdin, Ann Raniel, Lara Maigue, at Sheena Belarmino.
At huwag palampasin ang bigating 40th showbiz anniversary celebration ng nag-iisang Divine Diva, Zsa Zsa Padilla, kasama sina Gary V., Martin, Erik, Ogie, Regine at special guests na sina Gino Padilla, Randy Santiago, at Karylle.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo sa longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.