The seven Dream Chasers, who received the highest public votes, were officially launched as HORI7ON
Finale ng "Dream Maker" nagtrend worldwide
Bagong global pop group na binubuo ng Dream Chasers na sina Jeromy Batac, Marcus, Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda matapos nilang makakuha ng pinakamataas na public votes sa "Dream Maker:The Dream Finale" nitong Linggo (Peb.12) ng gabi.
Makikilala sila bilang ang HORI7ON, ang pangalang binoto rin ng manonood at nakakuha ng lampas 370,000 votes. Ang kanilang pagkapanalo sa kompetisyon ay simula pa lang ng kanilang journey bilang isang grupo. Nakatakda silang lumipad ng South Korea para mas mahasa ang kanilang galing para sa kanilang pangarap na maging idols.
Hinirang na rank 1 ang 13 taong gulang na si Jeromy matapos niyang makakuha ng 3,188,238 votes. Sinundan naman siya ni Marcus na nakakuha ng 2,824,716 votes at si Kyler naman na nakasungkit ng 2,697,520 votes.
Ang naging sentro naman ng signal song na "Take My Hand" na si Vinci ay naupo sa rank 4 at nakakuha ng 2,447,877 votes samantala si Reyster naman ay nakuha ang panglimang rank na may 2,285,407 votes.
Nakasungkit din ng pwesto si Kim bilang rank 6 na may 2,240,510 votes samantala ang kinumpleto ni Winston Pineda ang grupo at nakakuha ng 2,049,832 votes.
Tuluyan ng natapos ang "Dream Maker" journey ninaDrei Amahan, Prince Encelan, Wilson Budoy, Thad Sune, Jay-R Albino, Matt Cruz, Macky Tuason, Jom Aceron, and Josh Labing-isa matapos makakuha ng pinakamabababa na boto.
Sinabi naman ng business unit head ng programa na si Marcus Vinuya ang susunod na gagawin ng HORI7ON. Aniya, “Tuloy-tuloy ang training nila rito while waiting for the visa, then they will head to Korea for further training. Eventually, they will debut within the year.”
Dahil naman sa mainit na pagtanggap ng publiko sa "Dream Maker," asahan daw ng viewers ang iba pang collaboration projects ng ABS-CBN, MLD Entertainment, at Kamp Korea Inc.
"We have a lot of projects we have planned, so please look forward to it," saad ng CEO ng MLD Entertainment na si Lee Hyoungjin.
Sa finale, napanood ng publiko ang final mission ng Top 16 Dream Chasers. Hinati sila sa dalawang grupo at pinerform ang original songs ng Korean Mentors na si BULL$EYE na "Dash" at Seo Won-jin na "De Javu."
Binalikan din ng Dream Chasers ang ilang performances nila sa show kasama ang Nation's Girl Group na BINI, Aces of P-pop na BGYO, TFN, Pinoy mentors na sina Darren Espanto at Bailey May pati na ang host ng programa na si Kim Chiu. Nagtrending din worldwide ang hashtag ng finale na #DreamMakerTheDreamFinale.
Patuloy na suportahan ang journey ng HORI7ON sa pag-abot nila ng kanilang pangarap maging susunod na global pop group. I-follow ang "Dream Maker" sa Facebook, Twitter, Tiktok, at YouTube.