News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, hinirang bilang Digital Media Network of the Year sa The Platinum Stallion National Media Awards 2023

February 16, 2023 AT 11 : 21 AM

TeleRadyo, “It’s Showtime,” at iba pa, kinikilala ng Trintian community
 

Damang-dama ng ABS-CBN ang pagmamahal at tiwala ng mga mag-aaral at guro dahil sa pagkilalang natanggap bilang Digital Media Network of the Year sa The Platinum Stallion National Media Awards 2023 na ibinigay ng Trinity University of Asia noong Pebrero 15 (Miyerkules).

Ilang Kapamilya programs, shows, at personalities rin ang pinarangalan ng Trinitian community para sa patuloy na pagbibigay impormasyon at edukasyon sa publiko sa pamamagitan ng media at kaalyadong sining.

Itinanghal ang DZMM Teleradyo bilang Best Digital News Station, habang ang programa nitong “ABS-CBN Lingkod Kapamilya” ay tinanghal bilang Best Public Service Program. Ang “Lingkod Kapamilya” host na si Bernadette Sembrano ay tinanghal bilang Best Public Service Show Host.

Bukod pa rito, nakatanggap ang “It’s Showtime” ng Best Noontime Show award, habang ang mainstay host nitong si Vice Ganda ay nanalo bilang Best Variety Show Host. Gayundin, nakamit ng “ASAP Natin ‘To” at “Magandang Buhay” ang mga parangal na Best Variety Show at Celebrity Talk Show of the Year. 

Dumagdag pa ang parangal ng award-winning na teleserye na "The Broken Marriage Vow" nang pinarangalan ito bilang Best Adaptation Drama Series.

Panalo rin ang Kapamilya actress na si Maris Racal bilang Trinitian Media Practitioner for Entertainment.

Ang The Platinum Stallion National Media Awards 2023 ay bahagi ng 60th Founding Anniversary ng Trinity University of Asia. Ang mga nanalo ay pinagbotohan ng mga mag-aaral, alumni, guro, kawani, at stakeholder ng paaralan.

Para sa iba pang mga update, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.