News Releases

Opisyal na pahayag ng "FPJ's Batang Quiapo"

February 16, 2023 AT 08 : 00 PM

Nais naming humingi ng taos-pusong paumanhin sa mga manonood lalo na sa mga miyembro ng Muslim community na nasaktan sa isang eksena ng “FPJ’s Batang Quiapo” na umere noong Pebrero 14.
 
Nauunawaan namin ang mga nagpahayag ng opinyon at damdamin tungkol dito at sinisiguro namin na walang masamang intensyon ang programa na diskriminahin, saktan o ilarawan ang ating mga kababayang Muslim sa negatibong paraan.
 
Nangangako rin kaming maging sensitibo sa paghahatid namin ng kwento ni Tanggol at ng kanyang komunidad sa teleserye.