Itinanghal na kauna-unahang "Girl on Fire" grand winner si Mary Delle Cascabel matapos niyang binida ang angking galing sa pagsasayaw, kumpiyansa sa sarili at nag-uumapaw na kaseksihan sa hottest dance competition ng bansa na "Girl on Fire: The Blazing Finale'' ngayong araw (Pebrero 18).
Nakakuha nga siya ng total average score na 9.3 mula sa combined scores ng Hataw Royalties na sina Regine Tolentino, Sunshine Garcia, G-Force Myka, AC Bonifacio, Chie Filomeno, Zeus Collins, Jay Roncesvalles, Vimi Rivera at John Prats.
Bilang grand champion, nag-uwi ang Cebuana ng P500,000 mula sa S.C.D at exclusive management contract mula sa Polaris ng Star Magic. Samantala, nakapag-uwi naman ang runner-ups na sina Kaye Alfafara at Beverly Ypon ng tig-P50,000.
Naunang namaalam sa kompetisyon at nakakuha ng tig-P20,000 ang finalists na sina Jess Reyes, Kim Dueñas, Nica Santos, Krystin Mendoza, Kim Tubiano, Jelai Ahamil, at Ahlex Leyva.
Umani rin papuri mula sa madlang pipol ang naturang finals dahil sa maganda nitong stage set-up at magagaling na judges. Nanguna sa trending topics ang hashtag ng finale na #GirlonFireTheBlazingFinale. Nagtrending din sina Kim Chiu, Kaye, Beverly, Mary Delle, AC Bonifacio, at taglines na FIREnaIHataw GOF with AC, Showtime Team CHIE x Beverly, at madlang people.
Dapat naman abangan ng mga manonood ang bagong segment ng show na "Isip Bata" simula ngayong Lunes (Peb.20).
Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.