News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, isa sa mga nangungunang employer para sa mga estudyante at fresh grad

February 23, 2023 AT 01 : 47 PM

ABS-CBN, nangungunang media employer para sa mga humanities, business, at engineering graduates batay sa Universum Talent Research survey


Kabilang ang ABS-CBN sa mga nangungunang employer para sa mga Pilipinong mag-aaral at mga fresh graduate ayon sa survey na isinagawa ng Universum Talent Research noong November 2022.

Batay sa Ideal Employer Ranking ng survey, ang ABS-CBN ang pinakagustong media company ng mga humanities/liberal arts/education, business/commerce, at engineering graduates. Pinili ang kumpanya batay sa drivers of attractiveness ng Universum, na kinabibilangan ng reputasyon at imahe ng employer, social environment ng lugar ng trabaho, sahod at mga benepisyo, at mga katangian ng trabaho.

Ang Universum ay isang data-driven, insight-led Employer Branding Agency sa Stockholm, Sweden na natatagpuan din sa 60 bansa sa buong mundo. Nakikipagtulungan sila sa mga global partner, tulad ng mga unibersidad, asosasyon ng mag-aaral, at mga partner na organisasyon.

Noong 2021, pumangatlo din ang kumpanya sa Top 100 Graduate Employers sa bansa batay sa research ng GradPhilippines.

Para sa mga oportunidad sa trabaho sa ABS-CBN, bisitahin ang https://careers.abs-cbn.com o sa mga opisyal na pages ng ABS-CBN sa Kalibrr, Foundit, and LinkedIn. Ang mga interesadong aplikante ay maaaring mag-apply sa mga recruitment channel na ito o maaari din mag-send ng email sa careers@abs-cbn.com.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE