Patapos man ang buwan ng Feb-Ibig, tuloy-tuloy pa rin ang party sa best-of-the-best pasabog ng inyong paboritong Kapamilya stars ngayong Linggo (Pebrero 26) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Balikan ang bigay-todong divas biritan nina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez, kasabay sina Frenchie Dy at Nina. Hindi rin pahuhuli sa kantahan sina Klarisse de Guzman, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Ann Raniel, Bryan Chong, Lucas Garcia, at Reiven Umali kasama si maestro Louie Ocampo.
Doble-doble ang bigating pasabog ng Popstar Royalty na si Sarah Geromino, tampok ang kanyang solo performance at collab kasama si Fana.
Maki-party rin sa hottest hits ngayon kasama sina Khimo Gumatay, Enzo Almario, Elha Nympha, Jameson Blake, Karina Bautista, Vivoree, Nyoy Volante, dancefloor royalty Kim Chiu, at ang buong ASAP family with Robi Domingo.
Panooring muli ang mainit-init na flamenco performance ni Shaina Magdayao na may duet kasama si Gary Valenciano at Martin Nievera. Susundan naman ito ng "Clash Dance" tapatan nina Chie Filomeno at Regine Tolentino, pati na ang todo-hatawan nina Enchong Dee, Maris Racal, at NU Pep Squad.
Makisaya rin kasama ang mga cute na anak ni Momshie Melai Cantiveros na sina Mela at Stela na may kasabay na beats mula kay DJ Sean Al.
Balikan din ang ilang acoustic sessions sa ASAP stage, tulad ng jamming nina JM de Guzman, Ice Seguerra, Janine Berdin, Kice, at Angela Ken, pati ang senti duet nina Kice at Anji.
At abangan muli ang boyband hits biritan nina Gary V. Martin, Zsa Zsa, Regine, Darren, Erik Santos, Jason Dy, Klarisse de Guzman, Sheena Belarmino, JM Yosures, Reiven Umali, at Angeline Quinto sa "The Greatest Showdown."
Lahat ng best-of-the-best treats na ito, mapapanood ninyo sa longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.