Pagkatapos nito maghatid ng nagliliyab na mga eksena gabi-gabi simula Agosto 2022, magaganap na ang super finale ng “Mars Ravelo’s Darna” sa Biyernes (Pebrero 10).
Patuloy si Darna (Jane De Leon) sa pagharap sa patindi rin ng patinding giyera na hatid ni Heneral Borgo (Richard Quan) sa Nueva Esperanza na pinalala pa ng makamandag na pagbabalik ni Valentina (Janella Salvador) na agad pinatay ang kakampi ni Darna na si Brian Robles (Joshua Garcia).
Manaig pa kaya ang kabutihan laban sa kasakiman at kasamaan? O kailanganin kaya ni Darna na i-sakripisyo ang kanyang buhay para iligtas ang mga tao sa kanyang pagsasabuhay ng paniniwalang “ang pinakamalaking kasalanan ay kapag may kakayahan kang tumulong pero wala ka namang ginawa.”
“Marami kayong aabangan, mga Kapamilya. Maraming pasabog! Hindi ko alam kung matutuwa kayo o malulungkot kayo. Basta abangan nyo yan,” paghikayat ni Jane.
Samantala, libo-libong fans muli ang nakisaya sa cast ng “Darna” para sa pinakahuling leg ng #DarnaCaravan na ginanap sa KCC Mall Gensan sa General Santos City noong Biyernes (Peb. 3) at Ayala Malls Trinoma noong Linggo (Peb. 5).
Pinasalamatan ng cast sa pangunguna ni Jane ang mga ma sa kanilang patuloy na suporta sa programa na naging phenomenon sa TikTok at nanganak ng iba’t ibang Darna-related content dito gamit ang #Darna na meron na ngayong 2.4 billion combined views.
Umani rin ng mahigit 400 million combined YouTube views ang “Darna” videos ng ABS-CBN base sa data hanggang Enero 20. Nanatili rin itong top-rating series as telebisyon, kabilang sa Top 10 shows sa iWantTFC, at most searched primetime Philippine TV show sa Google.
Huwag palampasin ang super finale ng “Darna,” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available rin ang ABS-CBN series na prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC.
Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction).
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
TikTok, at
Instagram, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.