Jason Dy reinvents his music with the new R&B dance song "Ulit-ulit."
“Ulit-ulit” ang patikim sa bagong tunog
Kakaibang Jason Dy ang maririnig ngayon sa R&B dance song na “Ulit-ulit,” ang una niyang patikim bilang bagong miyembro ng Star Music family.
Inilunsad niya ang kanta nitong March 1, eksaktong walong taon pagkatapos niya magwagi bilang “The Voice Philippines” season 2 champion.
Sa bagong era ng kanyang music career, handa na ang tinaguring Prince of Soul ng bansa na ibida ang bago niyang tunog sa pamamagitan ng pagsubok niya sa ibang music genres na iba sa nakasayanang tunog ng kanyang fans.
Kasama na rito ang nakakaindak na “Ulit-ulit” na tungkol sa pagkadismaya sa paulit-ulit na pagtatalo ng dalawang tao na may ugnayan.
"The song talks about that point in the relationship where the fights are getting repetitive. Pare-parehas lamang ang argumento at wala namang nare-resolve,” kwento ni Jason.
“Tungkol ito sa kung karapat-dapat pa bang isalba ang isang relasyon or kailangang tapusin na,” dagdag niya tungkol sa awiting isinulat niya ilang taon na rin ang nakalilipas.
Magiging bahagi ang “Ulit-ulit” ng mini-album ni Jason na nakatakdang ilabas ngayong taon sa ilalim ng Star Music.
Pakinggan ang “Ulit-ulit” ni Jason na available na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.