News Releases

English | Tagalog

Abangan ang hot pick performances nina Sarah G, Moira, Felip, and Gloc9 sa 'ASAP Natin 'To'

March 23, 2023 AT 04 : 19 PM

Keep the party vibes rocking with hot performances courtesy of Sarah G, Moira, Felip, and Gloc9

Balikan din ang pasabog ng ASAP divas, OPM icons, at ilang global Pinoy dance acts

Tuloy-tuloy lang ang party sa ASAP stage, tampok ang hot performances mula sa paborito niyong stars ngayong Linggo (Marso 26) sa "ASAP Natin 'To" saKapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Balikan ang ilang bigating proudly Pinoy performances, tulad ng P-Pop pasabog nina Felip, Darren, Bailey May, BINI, at BGYO, pati ang hatawan ng global Filipino dance acts na sina AC Bonifacio, Urban Crew, at "America's Got Talent: All Stars" finalists Power Duo.

Maki-party muli sa pop hits kantahan at sayawan nina Popstar Royalty Sarah Geronimo, Elha Nympha, Ann Raniel, Lara Maigue, Krystal Brimner, Vivoree, Karina Bautista, Edward Barber, Chie Filomeno, Enchong Dee, MNL48, at ang buong ASAP family kasama si Robi Domingo.

Hindi rin pahuhuli ang hip-hop treat nina Gloc9, Bailey, Sheena Belarmino, Janine Berdin, Fana,Jeremy G, Joao Constancia, at Jameson Blake, pati ang senti kantahan ni Moira dela Torre.

Bumilib muli sa bigating biritan nina Angeline Quinto, Sheryn Regis, Kyla, Bituin Escalante, Jona, Katrina Velarde, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez. Maantig naman sa inspirational all-balladeer performance nina Gary Valenciano, JM Yosures, Reiven Umali, Bryan Chong, Khimo Gumatay, Lucas Garcia, at Enzo Almario.

At balikan din ang bonggang exchange hits tapatan nina Gary V., Zsa Zsa, Regine, Ogie Alcasid, Erik Santos, at Martin Nievera sa "The Greatest Showdown."

Pakatutukan ang best-of-the-best concert experience na ito mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.