News Releases

English | Tagalog

Bandang Android-18, may mensahe para sa mga "Sinungaling"

March 07, 2023 AT 11 : 02 AM

Android-18 is back with their break-up single "Sinungaling."

Nagbabalik sa music scene ang pop-punk band na Android-18 sa pamamagitan ng hugot song na “Sinungaling” na inilunsad nila sa ilalim ng DNA Music label ng ABS-CBN.

May limang miyembro ang Android-18 kasama sina Niokz Arcega, Kokoy Quevedo, Makoi Mendoza, Ian Moral at ang kanilang female vocalist na si Gela Quevedo. Nabuo ang grupo taong 2011 at umani ng parangal sa Indie Rock Awards 2015.

Isinulat ng gitarista ng banda na si Niokz ang “Sinungaling” na tumutukoy sa kasinungalingan na bumabalot sa isang relasyon. Iprinodyus naman ito ni Niokz kasama si Gela.

“Ano ba ang totoo? Minahal mo nga ba ako? Sa mundong hindi tapat, ang pag-ibig ko ba’y ‘di rin sapat?,” pahayag ng banda sa kanilang awitin.

Bago ang “Sinungaling, inilabas ng Android-18 ang EP na “Four Track Attack” noong 2011 at full-length albums na “Android-18 Saves The Day” noong 2015 at “Unloved + Space” noong 2019.

Maki-jam sa bagong single ng Android-18 na “Sinungaling” na napapakinggan sa iba’t ibang digital music platforms at panoorin ang lyric video nito sa YouTube. Para sa iba pang detalye, sundan ang DNA Music sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE