News Releases

English | Tagalog

“KBYN: Kaagapay Ng Bayan” ni Noli, pinarangalan ng Bronze World Medal sa New York Festivals

April 19, 2023 AT 02 : 18 PM

Nag-iisang kalahok ng Pilipinas sa kategoryang News: Best Public Affairs Program

 

Nanalo ng Bronze World Medal ang programa ng ABS-CBN News na “KBYN: Kaagapay Ng Bayan,” na pinangunahan ng beteranong mamamahayag na si Noli de Castro, bilang Best Public Affairs Program sa prestihiyosong New York Festivals TV & Film Awards noong Abril 18.

Inanunsyo ang mga nagwagi sa 2023 Storytellers Gala, na itinampok ang mga awardees ng iba't ibang kategorya sa telebisyon at pelikula.

Nagsilbing pagbabalik sa telebisyon ni Noli ang “KBYN” noong Abril 2022, kung saan ito ay nakasama sa shortlist bilang ang tanging kalahok mula sa Pilipinas sa kategoryang Balita: Programa.

Itinampok sa programa ang mga kwento ng pakikibaka ng mga ordinaryong Pilipino at mga istorya ng inspirasyon at tagumpay. Sa kasalukuyan, ang palabas ay ginawang bahagi ng "TV Patrol" na pinamagatang "KBYN Special Report." Maaaring panoorin ang mga episode ng "KBYN" sa YouTube channel ng ABS-CBN News.

Sinasaklaw ng New York Festivals TV & Film Awards ang lahat ng aspeto ng industriya ng telebisyon at pelikula at kinikilala ang mga innovator ng industriya mula sa mahigit 50 bansa sa 14 na kategorya.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.