Kapamilya, pinarangalan sa 12th NSCART
Nakuha ng ABS-CBN ang puso ng mga mag-aaral sa Northwest Samar State University sa Calbayog City matapos itong makatanggap ng 13 na parangal mula sa kanilang 12th Students’ Choice Awards for Radio and Television.
Napili ang “It’s Showtime” bilang Best Noontime Variety Show, habang tinanghal na Best Male at Best Female Noontime Variety Show Hosts sina Vice Ganda at Anne Curtis.
Nasungkit ng “ASAP Natin ‘To” ang award para sa Best Variety Show, habang nakuha ng “Idol Philippines” ang Best Musical Reality Show. Tinanghal naman ang “Pinoy Big Brother” bilang Best Reality Show, kasama si Robi Domingo bilang Best Reality Show Host.
Nanalo ang hit series noong 2022 na “2 Good 2 Be True” bilang Best Primetime Teleserye, habang ang lead star nitong si Daniel Padilla ay tinanghal na Best Actor.
Wagi rin sina Karen Davila (Best Female Talk Show Host para sa “Headstart” ng ANC), Amy Perez (Best Female Morning Show Host para sa “Sakto” ng TeleRadyo), Carlo Santiago (Best Male Talk Show Host para sa “Proyekto Pilipino” ), at Charo Santos (Best Female Drama Anthology Host para sa “MMK”).
Ang mga nanalo sa 12th Northwest Samar State University Students’ Choice Awards para sa Radyo at Telebisyon ay pinili sa pamamagitan ng isang survey sa buong unibersidad.
Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.