Walong iba't ibang kwento ng pag-ibig ang pagbibidahan ng ilan sa mga bituin ng ABS-CBN na sina Kaila Estrada, Chie Filomeno, Kim Rodriguez, Joao Constancia, Anji Salvacion, Angela Ken, at marami pang iba sa ikalawang season ng "Love Bites" ng ABS-CBN Entertainment na magsisimula ngayong Abril 28 (Biyernes).
Ngayong tag-init, ipapakita ng programa ang kagandahan ng Oriental Mindoro at tatalakayin ang iba't ibang tema ng pag-ibig tulad ng young love, second chances, closure, at iba pa.
Sa unang episode, magtatambal sina Kim Rodriguez at Ian Pangilinan sa isang kwento tungkol sa babaeng si Kath na bibili ng wedding dress kahit pa wala itong nobyo o mapapangasawa. Matapos ang kanyang pagbili, makikilala niya ang pastor na si Eman. Senyales ba ang wedding dress ng posibleng pagdating ng bagong pag-ibig sa kanyang buhay o isa lamang itong walang kwentang pagbili?
Bukod sa episode na "Wedding Dress," panoorin din ang mga storyang pagbibidahan ninaAya Fernandez at Iana Bernardez ("Stand In Love"), Angela at LA Santos ("Boy Next Door"), Kaila, Joao, at Chie ("Closure"), at Daniela Stranner at Batit Espirtu ("Summer Camp).
Abangan din sina Jay Gonzaga at Enzo Almario sa "Boy Meets Man, Anji, Janna Agoncillo, Elyson de Dios, at Marc Santiago sa "Wedding Booth," at Mary Joy Apostol at Jomari Angeles sa "Honest Love."
Ito ay sa ilalim ng produksyon ng RCD Narratives, ang grupo sa likod ng "MMK," "Killer Bride," "A Soldier's Heart," at "Viral Scandal" at direksyon nina Kevin Alambra at Raz dela Torre.
Panoorin ang fresh episodes ng Made For YouTube offering na "LoveBites," tuwing 6PM sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.