Rachel Gabreza shares a story about heartache in her debut single "Nasa'n Ka Na."
Dating “TNT” finalist, may panghikayat sa mga nasawi sa pag-ibig
Ibinida ng dating “Tawag Ng Tanghalan” contestant na si Rachel Gabreza ang pait ng pag-ibig sa kanyang unang single na “Nasa’n Ka Na.”
Sa emotional pop track na isinulat ni ABS-CBN creative director Jonathan Manalo at Juan Paulo B. Mendoza, tampok ang lungkot at hirap na dala ng lumipas na pag-ibig.
“In relationship, sometimes may mga tanong tayo na hindi nasasagot katulad ng lyrics sa song ko na puro katanungan din and still hoping na babalikan sila ng mahal nila,” ani Rachel.
Sabi pa niya, matagal niyang hinintay ang pagkakaroon ng sariling awitin at talaga namang maganda ang kinalabasan.
“Matagal ko na din pinangarap ito, kaya nung unang rinig ko sa song na ito, sabi ko sa sarili ko ‘ito na yun!’ Napakaganda kasi ng song and grabe talaga ang sakit niya and I’m sure maraming makakarelate ng song na ito,” saad niya.
Nais ni Rachel na magsilbing yakap ang kanyang awitin para sa mga muling bumabangon mula sa kanilang dalamhati.
“The message that I want them to pick up on my first ever single, “Nasa’n Ka na” is to let them know na di sila nag-iisa. Walang masama ang magmahal pero we need to move forward in order to be a better version of ourselves and also to let go if it is not meant to be,” sabi niya.
Unang nakilala si Rachel sa kanyang pagsali sa “Tawag ng Tanghalan” season 1 kung saan isa siya sa naging grand finalist ng patimpalak. Sa kanyang pagsisimula bilang recording artist sa ilalim ng Star Music, hangad niya ibahagi ang kanyang kwento simula sa kanyang sariling musika.
Damhin ang mensahe ng “Nasa’n Ka Na” na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms at panoorin ang lyric video nito sa ABS-CBN Music YouTube channel. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.