Puspusan na ang paghahanda ng BGYO para maghatid ng all-out performances sa kanilang “Be Us” second anniversary album showcase na gaganapin sa SM City North Edsa Skydome ngayong May 12 (Biyernes).
“Yung rehearsal po namin ngayon binibigay po namin yung best namin kahit nakakapagod dahil tuloy-tuloy yung schedule namin. We want to give our best sa talaga sa showcase and marami pang dapat abangan kagaya ng mga hindi pa namin nape-perform na songs and choreography from the album,” ani Mikki.
Sa unang araw palang ng bentahan ng tickets, nag-sold out agad ang SVIP tickets na nagkakahalagang P2,500 habang ang VIP (P2,000) at regular tickets (P1,000) naman ay mabibili pa rin sa SM Tickets.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate sa patuloy na suporta ng kanilang fans sa nakalipas na dalawang taon.
“Nararamdamdaman po namin 'yung every achievement po na nakukuha namin, hindi namin makukuha without the ACEs po. Kaya sobrang halaga po ng ACEs kaya we love them so much," sambit ni Akira.
Naging mainit din ang pagtanggap ng kanilang fans o “ACEs” sa naganap na mall show tours ng grupo.
“Nakakatuwa kasi aside sa ACEs na first time namin makita, marami rin ACEs na ilang beses umuulit na pumupunta sa iba’t ibang mall shows para makita lang kami ulit kaya nakakatuwa at na-appreciate namin iyon," saad ni Gelo.
Kamakailan lang inilabas ng tinaguriang “Aces of P-pop” ang kanilang ikalawang album na "Be Us" na nanguna sa iTunes albums chart sa Pilipinas, Hong Kong, Singapore, United Arab Emirates, at Saudi Arabia. Samantala, umani naman ito ng mahigit limang milyong streams habang ang dalawang tracks na “Tumitigil Ang Mundo” at “Magnet” pumalo naman sa isang milyong streams sa Spotify.
Samahan ang BGYO sa kanilang "Be Us" album showcase na gaganapin sa SM City North Edsa Skydome ngayong May 12 (Biyernes). Para sa ibang detalye, sundan ang @bgyo_ph sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, at mag-subscribe sa kanilang YouTube channel,
BGYO Official.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr on
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.