Sulitin na ang inyong long weekend at maki-party kasama ang paborito ninyong Kapamilya stars, tampok ang ilang best-of-the-best performances mula kina Janella Salvador, tambalang DonBelle, Popstar Royalty Sarah Geronimo, at iba pa ngayong Linggo (Abril 30) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.
Balikan ang mga nagbabagang solo treat mula kina Janella at Sarah G. Hindi rin pahuhuli ang nakakakilig na duet mula sa phenomenal love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Pakakatutukan din ang best-of-the-best P-Pop fest, tampok ang performances mula sa MNL48, PHP, G22, VXON, Fourth Impact, at Dream Chasers na sasabayan nina Vina Morales, Enchong Dee, FANA, at ang buong ASAP family kasama si Robi Domingo. Hindi pa rito natatapos ang best-of-the-best P-Pop bonanza sa pasabog na hatid ng BINI at BGYO kasabay sina Donny, Maymay Entrata, at Sheena Belarmino.
Maki-indak muli sa global Pinoy dance-off nina Darren, AC Bonifacio, at Legit Status kasama sina Jameson Blake, Joao Constancia, at Jeremy G, pati ang hataw royalties sayawan nina Chie Filomeno, Regine Tolentino, Vimi Rivera, at Teacher Jobel ng D'Grind.
Tuloy-tuloy ang hatawan sa "Dance U" class nina Gab Valenciano at ASAP dance royalty na si Kim Chiu kasama sina Edward Barber, Jameson, Joao, at Jeremy.
Balikan din natin ang collab ng "The Voice Kids" coaches na sina KZ and Bamboo, at ang divas kantahan nina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez na sasabayan nina Alexa Ilacad, Maymay, Loisa Andalio, at Maris Racal.
Abangan muli ang all-champions biritan nina Erik Santos, Jona, Klarisse de Guzman, Jed Madela, Angeline Quinto, Jason Dy, Sheryn Regis, Khimo Gumatay, JM Yosures, Sam Mangubat, Ann Raniel, Sheena, Lara Maigue, Reiven Umali, Bryan Chong, Janine Berdin, at Elha Nympha.
At maki-throwback tayo sa exchange hits kantahan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Zsa Zsa, Erik, at Regine sa "The Greatest Showdown."
Huwag palampasin ang mga best-of-the-best pasabog na ito mula sa longest-running at at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.