News Releases

English | Tagalog

Mga restored films ng ABS-CBN ipapalabas nang libre sa UP Film Institute

April 28, 2023 AT 03 : 38 PM

ABS-CBN Film Restoration has returned to the UP Film Institute with the theatrical premiere of the scanned and enhanced version of the 1950 classic “Mutya ng Pasig” (photos courtesy of the UP Film Institute)

 “Mutya ng Pasig,” “Triplets,” “Angat Dalita,” at “Sandata at Pangako” 

Nagbalik ang ABS-CBN Film Restoration sa pagpapalabas ng mga restored classics sa UP Film Institute noong Abril 22 para sa theatrical premiere ng 1950 LVN classic na “Mutya ng Pasig.” 

Hango sa musika ni Nicanor Abelardo ang “Mutya ng Pasig” na isa lamang sa mga pelikulang nakaligtas sa pagkasira noong 1950's. Ito ay manu-manong ni-restore sa 4k resolusyon sa loob ng higit 120 oras sa ABS-CBN.

“Naswertuhan po namin ang ‘Mutya ng Pasig’ dahil hindi madaming pelikula ang nag-survive during this time. After the manual restoration, this probably is the clearest it has looked in 70 years, mas malinawa pa siya ngayon kaysa noong una siyang ipinalabas,” sabi ni ABS-CBN Film Restoration and Archives head Leo Katigbak. 

Ang supernatural melodrama ay umiikot sa kwento ni Mercedes (Rebecca Gonzales) at ng kanyang sanggol matapos silang palayasin ni Dr. Modesto (Jose Padilla Jr.) batay sa kahina-hinalang tsismis. Pagkatapos habulin ng aso ni Modesto, nalunod si Mercedes sa ilog Pasig habang ang kanyang sanggol ay nabuhay at lumaki bilang ang magandang si Consuelo (Delia Razon), na tulad ng kanyang ina ay kokoronahan bilang Mutya ng Pasig. Dahil sa isang hindi magandang pangyayari, dinala si Consuelo kay Dr. Modesto para gamutin at kanyang nalaman na siya pala ang nawawalang anak. 

Libreng mapapanood ang iba pang LVN classics sa UPFI Film Center ngayong buwan katulad ng “Triplets” (4 PM) sa May 5, “Anak Dalita” (2 PM) sa May 6, “Sandata at Pangako” (5 PM at 4 PM) sa May 6 at May 16, pati ang “Mutya ng Pasig” (4 PM) sa May 10.

Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa Sagip Pelikula, i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).