Talagang buhay na buhay ang inyong Easter Sunday sa hatid na best-of-the-best performances ng paborito ninyong Kapamilya stars at guest artists ngayong Linggo (Abril 9) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Balikan natin ang mainit-init na solo treat ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, habang hindi rin pahuhuli ang naging trending performance nina Belle Mariano, AC Bonifacio, at Maris Racal.
Magpapainit muli ang "Clash Dance" tapatan nina Maymay Entrata at Loisa Andalio, pati ang nagbabagang "Supahdance" number ni Shaina Magdayao, na susundan ng "Dance U" session nina Gab Valenciano at Teacher Georcelle kasama ang G-Force, Urban Crew, FCPC Baliktanaw, at dance hotties na sina Vivoree, Krystal Brimner, Karina Bautista, Jeremy G, Joao Constancia, Jameson Blake, at Edward Barber.
Maki-rakrakan sa best-of-the-best jamming ng Itchyworms, Six Part Invention, at 6cyclemind na sasabayan din nina Kyla, Nina, Fana, at ang buong ASAP family kasama si Robi Domingo. At dahil Easter Sunday na ngayong Linggo, balikan din natin ang hatid na inspirational treat ni Mr. Pure Energy, Gary Valenciano.
Tuloy-tuloy ang best-of-the-best party sa pasabog ng pambansang Hari ng Primetime, Coco Martin, at sa bigating global Pinoy indakan nina Darren at AC kasama sina Jameson, Joao, Jeremy G, at Legit Status.
Magpalamig naman sa senti acoustic kantahan nina Nyoy Volante, Carlo Aquino, Anji Salvacion, Kice, Angela Ken, Janine Berdin, at Jeremy G.
Pakatutukan muli ang engrandeng champions biritan nina Regine Velasquez, Angeline Quinto, Jona, Erik Santos, Jason Dy, Elha Nympha, Janine Berdin, Sheena Belarmino, Laine, Khimo Gumatay, JM Yosures, Reiven Umali, Frenchie Dy, at Sheryn Regis, pati ang collab nina Zsa Zsa Padilla at Martin Nievera.
May best-of-the-best kantahan pang dapat abangan sa pag-awit ni Raymond Lauchengco ng kanyang timeless hits kasama sina Sheena, Khimo, JM, Reiven, Janine, Bryan Chong, Sam Mangubat, Ann Raniel, at Lara Maigue.
At balikan ang Burt Bacharach tribute nina Gary V., Martin, Zsa Zsa, Regine, at Ogie Alcasid sa "The Greatest Showdown."
Pasayahin na ang inyong long weekend celebration sa hatid na best-of-the-best party ng longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.