Kabilang ang mga pelikula nina Piolo, KathNiel, Sarah G, at iba pa
Pwede nang mapanood ng mga Pinoy ang 'choice selections' ng ilan sa mga pinakasikat na entertainment bloggers sa Pilipinas dahil available na ang mga ito simula ngayong Mayo sa iWantTFC, ang home of Filipino stories.
Mae-enjoy ng buong pamilya ang “Summer Family Binge” selection ng The Rod Magaru Show mula Mayo 10 hanggang Mayo 23. Magkahalong saya at kirot sa puso ang mararamdaman ng viewers kapag pinanood ang mga pelikulang “Tanging Yaman,” “All You Need is Pag-Ibig,” “Gimik The Reunion,” “Ang Tanging Ina,” at iba pa.
Ma-eenganyo naman ang mga Pinoy sa inire-rekomendang mga ‘old but gold’ movies ni Naz Tabares mula sa Pelikula Mania para sa “Summer Fantasy Getaway” selection. Mula Mayo 24 hanggang Hunyo 6, mapagpipilian ang mga palabas na “Feng Shui,” “Sukob,” “Kokey,” at “Here Comes the Bride.”
Mula naman sa entertainment blog ni Flow Galindez, nariyan ang “Philippine Cinema’s Icons and Gems” selection na kinabibilangan ang mga pelikulang “Anak” ni Vilma Santos, “Milan” nina Piolo Pascual at Claudine Barretto, “Got 2 Believe” nina Rico Yan at Claudine, at “Labs Kita… Okey Ka Lang?” nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Available ito mula Hunyo 7 hanggang Hunyo 20.
Nag-uumapaw na kilig naman ang swak sa listahan ni Kate Adajar ng Random Republika para sa “Kilig List” selection na available mula Hunyo 21 hanggang Hulyo 4. Siguradong kikiligin ang mga manonood kapag i-stream ang mga iWantTFC original series na “He’s Into Her” seasons one at two at “Lyric and Beat,” pati na ang mga pelikulang “It Takes A Man and Woman” tampok sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo at “She’s Dating the Gangster” tampok sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Para naman sa mga fan ni Judy Ann Santos, maaaring ibinge-watch ang kanyang mga palabas mula sa “Juday and Klaw’s Showstoppers” ni Richard Paglicawan ng LionHearTV. Available mula Hulyo 5 hanggang Hulyo 18 ang mga pelikula ni Juday tulad ng “Kasal, Kasali, Kasalo,” “Sakal, Sakali, Saklolo,” “Till There Was You,” at “Ang Dalawang Mrs. Reyes.”
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito na available sa Pilipinas. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.