Ngayong Linggo (Mayo 14), bidang-bida ang inyong momshies sa hatid na Mother's Day treats ng inyong paboritong Sunday viewing habit, tampok ang all-star moms tribute ng ASAP icons kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta, pati performances mula kina Moira, Kapamilya momshies, at iba pa sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Punong-puno ng pagmamahal ang handog na Mother's Day tribute ng OPM icons na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Sharon Cuneta sa "The Greatest Showdown."
Abangan din ang masayang pasabog ng Kapamilya momshies na sina Angeline Quinto, Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, Vina Morales, at Nina kasama sina Maymay Entrata, Jeremy G, Jameson Blake, BINI, 1st.One, at ang buong ASAP family with Robi Domingo.
Mas iinit pa ang inyong weekend sa nagbabagang solo performance ng Kapamilya leading lady at certified momshie na si Janella Salvador, habang hahataw rin ang collab nina Darren at ASAP dance royalty na si Kim Chiu, pati ang "Super Dance" sayawan nina AC Bonifacio, Gela Atayde, at Kyle Echarri kasama ang Legit Status.
Ma-inspire naman sa soulful kantahan at indakan ng Inspirational Diva na si Jamie Rivera, kasabay ang talented kiddie performers na sina Fabio Santos ng "The Voice Kids," "Isip Bata" chikiting na sina Imogen, Argus, at Kulot, Stela pati ang Pop Babies na sina Mela, Pele, at Jordan kasama ang Mandaluyong Children's Choir.
At tuloy-tuloy ang kantahan sa ASAP stage, tampok ang must-watch hugot concert experience ni Moira dela Torre, at ang all-champions biritan nina Angeline, Jed Madela, Jason Dy, Sheryn Regis, Katrina Velarde, Frenchie Dy, Elha Nympha, Sheena Belarmino, Lara Maigue, Fana, at Khimo Gumatay.
Lahat ng ito, para sa inyo at sa mga minamahal ninyong mga nanay mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.