News Releases

English | Tagalog

"Idol PH" S2 contestant Chester Padilla, naglabas ng kantang "Ako Na Lang Muna"

May 15, 2023 AT 10 : 24 AM

Former "Idol PH" contestant Chester Padilla desperately seeks love in his new single "Ako Na Lang Muna."

Handang masaktan alang-alang sa pag-ibig
 
Ibinida ng dating “Idol Philippines” season 2 contestant na si Chester Padilla ang dalamhati na dala ng pag-ibig sa kanyang bagong awitin na “Ako Na Lang Muna.”
 
Hatid ng hugot ballad na isinulat ni Kikx Salazar ang paghahangad sa pag-ibig kahit na masaktan ang sariling damdamin. Ito ang ikalawang awitin ni Chester sa ilalim ng Old School Records at Star Music.
 
“It feels like it was really written for me. I used to be that kind of person who’s willing to love selflessly. I came to a point where I settled for being the temporary fix, the lover who’s content with just the bare minimum,” ani Chester.
 
Sumali siya sa ikalawang season ng "Idol PH" kung saan nakatanggap sya ng Platinum ticket at umani ng maraming views ang performance niya ng “With A Smile” at “Leaves.”
 
“I started doing song covers on day one. I had no idea I would be able to interpret songs and have it released one day,” kwento ni Chester. “I joined my first reality singing competition on Idol Philippines Season 2 and was able to get one of the four platinum tickets during my audition. The utmost pride I have during that time was I fully realized the kind of singer I aspire to be. I want to be able to touch hearts by telling a story, may it be inspirational or hurtfully piercing.”
 
Bilang recording artist, nakapaglabas na siya ng iba’t ibang awitin tulad ng “Kung Nais Mo Na” at “Dating Atin” habang nakasama naman sa Spotify Fresh Finds Philippines playlist ang latest single niya na “Ako Na Lang Muna.” Ilan sa kanyang musical influences ay ang The Script, Maroon 5, at Coldplay.
 
Damhin ang emosyon ng “Ako Na Lang Muna” na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms at panoorin ang lyric video nito sa ABS-CBN Music YouTube channel. Para sa ibang detalye, sundan ang Old School Records sa Facebook, Twitter,  at Instagram. Maaari rin sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE