Itotodo pa ng inyong ASAP family ang concert feels, tampok ang double birthday pasabog nina Zsa Zsa at Darren, at iba pang kaabang-abang na collabs mula sa paborito ninyong dance royalties, biriteras, at classic OPM groups ngayong Linggo (Mayo 21) sa
"ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Doble-doble ang birthday kasiyahan sa ASAP stage, tampok ang bigating celebration ng nag-iisang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla kasama sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Erik Santos, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at isang special surprise guest; pati ang pa-blowout na total performance ni Asia's Pop Heartthrob Darren kasama ang D'Grind at Six Part Invention.
Sanib-pwersa naman ang paborito ninyong classic OPM groups sa isang malakihang throwback concert experience, tampok sina Male Rigor at Monet Gaskell ng VST & Company, Joey Abando ng Boyfriends, Pete Gatela, Carlos Parsons at Yujin Bundal ng Hagibis, pati sina Boboy Garovillo at Jim Paredes ng APO Hiking Society. Sasabayan naman sila nina Kyle Echarri, Nyoy Volante, Janine Berdin, Jameson Blake, Jeremy G, at ng buong ASAP family with Robi Domingo.
Back-to-back naman ang aabangang mga collab, tulad ng dance royalty tapatan nina ASAP Queen of the Dancefloor Kim Chiu at OG dance idol Shaina Magdayao, na susundan din ng big-time biritan nina Asia's Songbird Regine at Asia's Soul Supreme KZ.
Maki-indak naman sa todo-todong hatawan nina Darren, AC Bonifacio, at Gab Valenciano kasama ang Legit Status, habang tuloy-tuloy rin ang kantahan sa senti biritan ng singing champions na sina Angeline Quinto, Kyla, Jed Madela, Jason Dy, Ann Raniel, Fana, JM Yosures, Khimo Gumatay, Enzo Almario, Reiven Umali, Sam Mangubat, Bryan Chong, Sheena Belarmino, at Lara Maigue.
At abangan ang bigay-todong classic hits kantahan nina Gary V., Martin, Zsa Zsa, Erik, Angeline, Darren, at Regine sa panibagong edisyon ng "The Greatest Showdown."
Ito ang concert feels na hindi mo dapat ma-miss mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.