Mga pelikula at serye libreng napapanood sa Pilipinas
Handog ng iWantTFC ang iba’t ibang kwentong tampok ang pagmamahal ng isang ina para sa special selections nila ng mga movie at series ngayong Mayo.
Ipagdiwang ang Mother’s Day sa Mayo 14 sa pamamagitan ng panonood ng mga palabas sa “Tribute to Mothers” selection na siguradong pupukaw ng damdamin. Nariyan ang “Misis Piggy” ni Sylvia Sanchez, “My Single Lady” ni Jodi Sta. Maria, “Ekstra” ni Vilma Santos, “Ang Tanging Ina” ni Ai-Ai delas Alas, at iba pa.
Mga nakakaantig din na kwento ng kababaihan at pagmamahal para sa pamilya ang matutunghayan sa “Buhay OFW” selection. Mapagpipilian ang mga pelikulang “Caregiver” ni Sharon Cuneta, “Hello, Love, Goodbye,” ni Kathryn Bernardo, “Anak” ni Vilma Santos, “Malaya” ni Lovi Poe, at marami pang iba.
Masusuportahan din ng mga Pinoy ang kani-kanilang mga pambato sa Miss U dahil mapapanood sa iWantTFC ang Miss Universe Philippines 2023 sa Mayo 13.
Tuloy-tuloy din ang pageant fever sa iWantTFC dahil ‘beauty and brains’ naman bilang mga aktres ang ipapamalas ng mga dating beauty queen sa special selection na “Beauty Queens Turned Actresses.” Mapapanood sina Gloria Diaz, Maxine Medina, at Winwyn Marquez sa iWantTFC original series na “Beauty Queens,” habang tampok si Pia Wurtzbach sa mga palabas na “My Perfect You,” “Gandarrapiddo: The Revenger Squad,” at “My Papa P.”
Simulan na ang movie marathon at i-stream ang mga movie at series na ito nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito na available sa Pilipinas. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.