News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN at TV5, sanib-pwersa para sa "Nag-aapoy na Damdamin"

May 22, 2023 AT 10 : 52 AM

ABS-CBN and TV5 co-produce new drama series "Nag-aapoy na Damdamin."

Pagbibidahan nina Jane, JC, Ria, at Tony

Tiyak na mag-aalab ang mga puso ng mga manonood sa pagsasamahang proyekto ng ABS-CBN Entertainment at TV5 na pinamagatang “Nag-Aapoy na Damdamin.”

Pangungunahan ang drama series ng Kapamilya stars na sina JC de Vera, Ria Atayde, Tony Labrusca, at Jane Oineza na gagampanan ang kauna-unahan niyang lead role sa teleserye. 

Sasailalim ito sa direksyon ni FM Reyes na nasa likod ng mga minahal na teleserye ng mga manonood na “Maging Sino Ka Man,” “Magpahanggang Wakas,” at “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

“Ang ganda ng kwento! It’s so intricate, it’s so passionate,” patikim na kwento ni Direk FM sa teleseryeng iproprodyus ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN.

Magiging bahagi rin ng bagong programa sina Joko Diaz, Kim Rodriguez, Maila Gumila, Aya Fernandez, at Nico Antonio. 

Malapit nang mapanood ang “Nag-aapoy na Damdamin” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TV5. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction). 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagramTikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.