Drei Sugay pens a sweet confession in new single "Aking Tangi."
Dating “Idol PH” season 2 contestant, na-inspire ng iba’t ibang kwento ng pag-ibig
Matamis na mensahe ng pag-ibig ang hatid ni dating “Idol Philippines” season 2 contestant Drei Sugay sa kanyang bagong single na "Aking Tangi.”
“‘Aking Tangi’ is about finding pure, passionate love after so many heartbreaks and disappointments. It's about finally discovering that perfect fit, and it feels like a reunion as if you have had that connection for a long time. It's new, yet familiar, and it's fate in motion,” aniya.
Ibinahagi rin ni Drei na hango sa iba’t ibang kwento ng pag-ibig ang isinulat niyang kanta mula sa Star Pop label.
“Love stories inspired me to write ‘Aking Tangi.’ They're everywhere; in movies, books, and songs. Everybody loves a good love story. So, I wanted to create my own love story in song form,” kwento niya.
Itinuturing niyang passionate at intense ang “Aking Tangi” kumpara sa kanyang debut single na “Ganun Talaga.” Saad niya, “It is passionate and intense, in contrast to the carefree and chill vibes of ‘Ganun Talaga.’ ‘Aking Tangi’ is a new experience. It shows a different, vulnerable side of me, and I'm excited to share that feeling and experience it with everyone.”
Unang nakilala si Drei nang sumali siya "The Voice Teens" season 1 kung saan naging coach niya ang Fil-Am singer na si Apl.de.Ap noong 2017. Naging bahagi rin siya ng ikalawang season ng "Idol Philippines" at nakasama sa top 12 contestants nito. Ilan sa kanyang itinuturing na musical influences ang Coldplay, Radiohead, Ben&Ben, John Mayer, Daniel Caesar, at Jacob Collier.
Inilunsad naman niya ang "Ganun Talaga" noong Pebrero na sumasalamin sa pabago-bagong takbo ng buhay. Sa kasalukuyan, meron na itong higit sa 370,000 streams sa Spotify.
Kiligin sa bagong single ni Drei na "Aking Tangi" na napakinggan sa iba't ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.