News Releases

English | Tagalog

Lola ni Coleen Garcia na may viral boudoir photoshoot, itatampok ni Bernadette sa “Tao Po”

June 23, 2023 AT 11 : 55 AM

Jeff Canoy, ipapakita sa mga manonood ang kalagayan sa "last mile schools" ngayong Linggo

 

Mapapatunayan na “age is just a number” dahil ipapakilala ni Bernadette Sembrano si Tata Syra Garcia, ang 70 taong gulang na lola ni Coleen Garcia na nag-viral sa internet dahil sa kanyang boudoir birthday photoshoot, sa “Tao Po” ngayong Linggo (Hunyo 25) mula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel at A2Z.

Habang sabay na nag-eehersisyo, pag-uusapan nina Bernadette at Tata Syra ang tungkol sa mga paksa ng pagtanda, pagiging totoo sa sarili, at pagpapalakas ng mga kababaihan.

Samantala, bumiyahe ang ABS-CBN News chief of reporters na si Jeff Canoy sa gitna ng Sierra Madre sa Nueva Ecija para bisitahin ang isa sa mga tinatawag na "last mile schools." Sa pamamagitan ng ulat ni Jeff, makikita ng mga manonood ang mga paghihirap na kinakaharap ng mga guro at estudyante dito at kung paano nila nalalampasan ang mga balakid na ito araw-araw.

Pumunta naman si Kabayan Noli De Castro sa Alfonso, Cavite para tingnan ang bagong paraan ng pagsasaka ng mud crab gamit ang condominium style cases.

Sa kanyang panayam sa “Magandang Buhay” noong Martes, ipinahayag ni Bernadette ang kanyang kasiyahan sa bago niyang show. 

"Alam naman natin kung paano tayo pinaghiwa-hiwalay ng pandemic na ito. This time, kami po ay kakatok sa inyong mga tahanan para masilayan ang inyong buhay. At sigurado po kami na mai-inspire po ang ating mga viewers sa inyong mga kuwento. Kuwento 'yan ng puwedeng celebrity, ng ordinaryong tao. Sana po ay patuluyin niyo kami sa inyong mga tahanan every Sunday," sabi niya.

Abangan ang kapana-panabik na mga kuwentong ito sa “Tao Po” ngayong Linggo (Hunyo 25) mula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel at A2Z.

Para sa mga update sa “Tao Po,” i-follow ang @taopo.abscbn sa Facebook at Instagram. Para sa iba pang kwento, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.