Bigatin ang best-of-the-best acts na aabangan sa ASAP stage, tampok ang mga showdown ng paborito ninyong P-Pop acts, Kapamilya stars, at guest artists ngayong Linggo (Hunyo 25) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Damang-dama ang P-Pop fever sa best-of-the-best talbugan ng BGYO, BINI, Alamat, DIONE, Calista, at 1st.One kasama si Erik Santos at ang buong ASAP family with Robi Domingo, Maymay Entrata, at Donny Pangilinan. Hindi rin pahuhuli ang solo pasabog ng Popstar Royalty na si Sarah G, at ang soulful performance ni KZ kasama sina Fana at Sheena Belarmino.
Maki-hataw muli sa dancefloor tapatan nina Maris Racal at Awra Briguela, at sa nagbabagang best-of-the-best treat ni ASAP dance royalty Kim Chiu, na susundan ng "Dance U" session nina AC Bonifacio, Teacher Georcelle, Kyle Echarri, Jeremy G, Joao Constancia, G-Force, at "World of Dance PH" groups.
Balikan din natin ang mga inabangang collab sa ASAP stage, tampok ang divas biritan nina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez na sasabayan ni Janine Gutierrez; mga total performance pasabog nina Darren, AC, at Gab Valenciano; at ang ballad kantahan nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Janno Gibbs.
Hindi kumpleto ang Sunday showdown sa all-champions tapatan nina Angeline Quinto, Jona, Jed Madela, Sheena, Fana, Elha Nympha, JM Yosures, Khimo Gumatay, at Reiven Umali.
Pakatutukan ding muli ang Broadway hits biritan nina Martin, Robert Sena, Isay Alvarez, Franco Laurel, Jamie Rivera, Bituin Escalante, at Karylle kasama ang New-Gen Birit Idols na sina JM, Lara Maigue, Sam Mangubat, at Enzo Almario.
At maki-throwback tayo sa 90s hits kantahan nina Gary Valenciano, Zsa Zsa, Jona, Darren, Ogie, at Regine sa "The Greatest Showdown."
Ito ang best-of-the-best showdown party na hindi niyo dapat ma-miss mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.