Sagot ng iWantTFC ang movie marathon ng mga manonood ngayong Hulyo dahil tampok dito ang iba’t ibang kwento tungkol sa pag-ibig, horror, action, at mga pelikula at seryeng pinagbidahan nina Claudine Barretto at Judy Ann Santos.
Siguradong hindi mabibitin ang fans nina Claudine at Juday kapag pinili ang “Queen Juday and Klaw's Showstoppers” selection. Mapapanood dito ang ilan sa kanilang pinakamamahal na karakter sa mga palabas na “Nasaan Ka Man” at “Milan” ni Claudine, at ang “Kasal, Kasal, Kasalo,” at “‘Til There Was You” ni Juday.
Siksik sa kilig naman ang mga palabas sa “‘90s Classic Romance” selection. Nariyan ang “Hey Babe” nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, “Sana Maulit Muli” nina Aga Muhlach at Lea Salonga, “Dahil Mahal na Mahal Kita” nina Rico Yan at Claudine, at ang seryeng “Sa Sandaling Kailangan Mo Ako” tampok sina Kristine Hermosa, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, at iba pa.
Sa “The One That Got Away” selection, mapapanood ang mga tagos sa pusong kwento tungkol sa pag-ibig. Pwedeng i-stream ang “Hello, Love, Goodbye,” “Exes Baggage,” “Meet Me in St. Gallen,” at “My Ex and Whys.”
Available rin sa iWantTFC ang mga palabas tungkol sa women empowerment. Kumuha ng inspirasyon sa mga kababaihan tulad nina Angel Locsin sa “The General’s Daughter,” Jane De Leon sa “Darna,” Erich Gonzales sa “We Will Not Die Tonight,” at Maja Salvador sa “Wildflower.”
Handog naman sa “Movies That Won’t Let You Sleep” selection ang paboritong horror movies kagaya ng “Clarita,” “Dalaw,” “Feng Shui,” at “Magandang Hating Gabi.” Swak naman sa kabataan ang “Millennials Must Watch” selection tungkol sa young love at self-discovery sa mga pelikulang “Sakaling Maging Tayo” at “2 Cool 2 Be 4gotten,” at mga iWantTFC original series na “Manillenials” at “Ampalaya Chronicles.”
Mae-enjoy ang mga pelikula at seryeng ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o website. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.