News Releases

English | Tagalog

"Love is Love" sa iWantTFC tampok ang iba't ibang movies at series

June 05, 2023 AT 09 : 31 AM

Ipagdiwang ang Pride Month ngayong Hunyo sa iWantTFC, ang Home of Filipino Stories, dahil handog nito ang iba’t ibang nakakaantig na kwento tungkol sa LGBTQIA+ community sa special selection na “Love is Love.”

Napapanood na ang pinakabagong iWantTFC original series na “Drag You and Me” tampok sina Andrea Brillantes, JC Alcantara, at Christian Bables bilang mga drag queen. Mapagpipilian din ang ibang iWantTFC originals kagaya ng girls’ love series na “Sleep with Me” nina Janine Gutierrez at Lovi Poe, at “Fluid,” boys’ love (BL) rom-com na “Oh, Mando!,” at ang advocacy series na “Mga Batang Poz.”

Mga tema naman tungkol sa pagiging “out and proud” ang mapapanood sa mga BL love stories na “The Boy Foretold by the Stars” at ang sequel nitong “Love Beneath the Stars” nina Keann Johnson at Adrian Lindayag, Black Sheep series na “Hello Stranger” nina Tony Labrusca at JC Alcantara, at ang Star Cinema film na “My Lockdown Romance” nina Jameson Blake at Joao Constancia.

Tampok din sa special selection ang mga kwento tungkol sa pagpapakatotoo sa sarili at sa pamilya sa mga palabas tulad ng “The Panti Sisters,” “Die Beautiful,” “The Third Party,” at “Baka Bukas.” Kung kilig naman ang hanap, nariyan ang Thai BL series na “2gether the Series,” “Still 2gether,” “A Tale of a Thousand Stars,” “Bad Buddy,” at iba pa. 

Available rin sa iWantTFC ang mga classic na pelikula tungkol sa mga karakter na nagmahal ng parehong kasarian kagaya ng “T-Bird at Ako” nina Nora Aunor at Vilma Santos, “Si Chedeng at si Apple” nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa, at “In My Life” nina Vilma, John Lloyd Cruz, at Luis Manzano.

Maki-Pride Month at i-stream ang mga pelikula at seryeng ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o website. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com