News Releases

English | Tagalog

Pinoy icons at classic films, nasa iWantTFC ngayong Independence Day

June 08, 2023 AT 08 : 50 AM

Ibabandera ng iWantTFC, ang Home of Filipino Stories, ang “Digitally Remastered Classics” at “Philippine Cinema Icons and Gems” special selections kasabay ng pagdiriwang ng Philippine Independence Day ngayong Hunyo 12. 

Tampok sa “Digitally Remastered Classics” selection ang ilan sa mga all-time Pinoy classics at award-winning films. Kung mahilig sa mga makapanindig-balahibong katatakutan, pwedeng i-stream ang “Sa Aking Mga Kamay,” “Karnal,” “Cain at Abel,” “Nunal Sa Tubig,” at iba pa. 

Nariyan din ang mga nakakakilig at pampa-good vibes na mga remastered films tulad ng “Ang Pulubi at ang Prinsesa” nina Camille Prats at Angelica Panganiban, “Bcuz of U” nina Kristine Hermosa at Diether Ocampo, “Unofficially Yours” nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin, at “A Very Special Love” nina Sarah Geronimo at John Lloyd.

Handog naman ng kilalang entertainment blogger at guest curator na si Flow Galindez ang “Philippine Cinema Icons and Gems” selection na ibinibida ang ilan sa mga pinakamagaling na artista sa bansa. Mae-enjoy ang “Oro Plata Mata” nina Cherie Gil at Joel Torre, “Tag-araw sa Tag-ulan” nina Vilma Santos at Christopher de Leon, “Himala” ni Nora Aunor, “Hihintayin Kita sa Langit” ni Dawn Zulueta, at marami pang iba.

Ipagdiwang ang Independence Day at i-stream ang mga pelikula at seryeng ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o website. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.