News Releases

English | Tagalog

Labing 1,800 na mag-aaral, na-inspire ng mga eksperto sa media sa Pinoy Media Congress 2023 ng ABS-CBN

June 08, 2023 AT 01 : 52 PM

Stars ng “Teen Clash” at ABS-CBN Music artists na sina Kice, Angela, at Maki, nagbahagi ng surprise performances

 

Ibinahagi ng mga eksperto mula sa ABS-CBN at Philippine Association of Communication Educators (PACE) ang kanilang mahalagang kaalaman tungkol sa napapanahong kaunlaran sa industriya ng media sa 1,865 na mag-aaral sa two-day hybrid Pinoy Media Congress 2023.

Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral ng komunikasyon mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao para sa two-part event na ginanap sa Cavite State University at University of the Philippines Mindanao noong Abril 29 at Mayo 6. Ang online platform naman ay hosted ng University of the Philippines Los Baños.

Ibinahagi ng ABS-CBN Music head na si Roxy Liquigan ang tungkol sa pagbibida ng musikang Pilipino sa buong mundo, habang ibinahagi naman ni ABS-CBN Music Head for International Marketing and Promo Partnerships na si Naomi Enriquez ang tungkol sa proseso ng paglulunsad ng digital at media partnerships sa lokal at internasyonal. 

Ipinakita ng ABS-CBN Film Restoration head na si Leo Katigbak ang proseso na nagaganap sa panahon ng restoration at ipinaliwanag ang pangangailangan sa pagsalba ng mga klasikong pelikulang Pilipino. Samantala, ibinahagi naman ng “Dirty Linen” head writer na si Kay Brondial ang malikhaing proseso sa likod ng produksyon ng hit Kapamilya series.

Ipinakita din ng ABS-CBN chief of reporters na si Jeff Canoy ang pagbabago ng pag-uulat ng kalamidad at krisis noong simula ng pandemya at kung paano sinasaklaw ng mga mamamahayag ang mga ganitong uri ng kwento sa digital era. Sa kabilang dako, ibinahagi ng mga tagapagturo ng komunikasyon na sina Dr. Rosario Ruby Roan-Cristobal at Val Vestil ang kanilang kadalubhasaan sa science at environmental journalism.

Simula noong 2005 patuloy na naghahatid ng kaalaman ang Pinoy Media Congress ng ABS-CBN sa mga mag-aaral at guro ng komunikasyon sa buong bansa sa pamamagitan ng mga napapanahong session at workshop sa iba't ibang larangan at paksa sa media.

“We hope that you have been empowered to become more passionate and woke, always utilizing your talents and voices for the greater good. Because in the end, it is not about the fancy job titles or the opportunities to rub elbows with the most influential. What counts as the real glow up as a media practitioner is when you can inspire people and shed light on issues that matter,” sabi ni Kane Errol Choa, ABS-CBN Head of Corporate Communications.

“You are the future of media and communication. You are the future of PACE. And PMC is one way of making yourself capable and ready for the challenges of the world,” pahayag ni Mark Lester Chico, PACE President.

Pinasaya rin ang mga mag-aaral sa pamamamagitan ng mga espesyal na pagtatanghal mula sa mga artist ng ABS-CBN Music na si Kice So, na hinarana ang mga manonood ng kanyang pinakabagong single na "Only Girl," si Angela Ken, na kumanta ng kanyang hit song na "Ako Naman Muna," at si Maki, na nagpatunaw ng mga puso sa kanyang pag-awit ng “Saan?” Samantala, niyanig ng cast ng “Teen Clash” ang entablado dahil sa kanilang performance ng “JAM.”

Pinarangalan ang Pinoy Media Congress ng Awards of Excellence mula sa Public Relations Society of the Philippines' Anvil Awards noong 2008 at International Association of Business Communicators Philippines' Philippine Quill Awards noong 2007.

Para sa karagdagang detalye sa ABS-CBN Pinoy Media Congress, sundan ang @abscbnpmc sa Facebook. Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.