News Releases

English | Tagalog

DonBelle, magpapakilig muli sa kanilang panibagong duet performance sa 'ASAP Natin 'To'

July 14, 2023 AT 08 : 14 PM

Love is in the air once more as the new gen phenomenal love team of Donny Pangilinan and Belle Mariano swoons ASAP homies with their romantic duet onstage

May total collab din sina Darren at Inigo

Mas pasiglahin ang inyong weekend sa isa na namang all-star concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya artists, tampok ang panibagong duet treat ng tambalang DonBelle, at marami pang ibang fresh performances ngayong Linggo (Hulyo 16) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Punong-puno muli ng kilig ang ASAP stage sa duet ng new gen phenomenal love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Mainit-init din ang fresh OPM performances nina Erik Santos, Lian Dyogi kasama sina Jameson Blake, Joao Constancia, Jeremy G, at TPM Dancers, pati ang tandem single act nina Poppert Bernadas at Asia's Songbird Regine Velasquez.

Maki-feel good din sa all-dance hits performance nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, at Ogie Alcasid kasama sina Anji Salvacion, BINI, at ang buong ASAP family with Robi Domingo. 

May around-the-world hatawan pa sina AC Bonifacio, Chie Filomeno, at Regine Tolentino habang hindi rin pahuhuli sa sayawan ang next-gen ladies na sina Sheena Belarmino, Krystal Brimner, at Gela Atayde kasabay ang Legit Status.

Pakatutukan din ang panibagong P-Pop surprise ng BGYO, at back-to-back naman ang total collabs nina Darren kasama si Inigo Pascual, at Jona kasabay si Bailey May.

Tuloy-tuloy ang biritan sa Whitney Houston medley tapatan nina Jona, Sheryn Regis, Kyla, Frenchie Dy, Radha Cuadrado, Sheena, at Elha Nympha. At huwag palampasin ang revival hits kantahan nina Gary V., Martin, Zsa Zsa, Erik, Kyla, Ogie, at Regine sa "The Greatest Showdown."

Talagang feel-good ang inyong weekend sa hatid na concert experience ng longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.